Lunes, Marso 14, 2016



MGA KUMPAS SA PAGTATALUMPATI

PINAGKUHANAN: https://www.google.com.ph/search?q=pagtatalumpati&biw=1366&bih=657&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahUKEwiH9-LP4sHLAhVGG6YKHfdzDHIQ_AUIBygC#tbm=isch&q=mga+kumpas+sa+pagtatalumpati&imgrc=9KBLcXqeVnmSNM%3A
















Ano ang Talumpati?




ANG TALUMPATI

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.

Layunin at bahagi

Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o okasyon.
Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:
  1. Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
  2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
  3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

Paghahanda sa talumpati

Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring magtitipon ng mga materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga materyales na gagamitin sa talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa tatlong bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas.
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan (rapport) sa madla.  PINAGKUHANAN:   https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati

Uri ng talumpati ayon sa balangkas

  • May pagahahanda
  • Walang paghahanda - ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Mga bahagi ng talumpati

  1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang atensyon ng madla.
  2. Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
  3. Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.

Paraan ng pagtatalumpati

  1. Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malaks sa harap ng mga tagapakinig.
  2. Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
  3. Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang panimula at wakas lamang.

Palad na itinataas habang nkalahad - nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin

2. nakataob na palad at biglang ibababa - nagpapahiwatig ito ng marahas na damdamin.

3. Palad na bukas at marahang ibababa - nagpapahiwatig ito ng mababang uri ng kaisipan o damdamin.

4. Kumpas na pasuntok - nagpapahayag ng pagkapoot o galit o pakikilaban. 5. Paturong Kumpas - nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak. 6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga darili at unti-unting ititikom - nagpapahiwatig ng matimping damdamin.

7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita - pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nag sasalita. 8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad- ipinahihiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot. 9. kumpas na pahawi o pasaklaw - nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang diwa, tao o pook. 10. Marahang pagbaba ng dalawang kamay - ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.

Hakbangin sa paggawa ng talumpati

  1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.
  2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
  3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas.
  4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

Uri ng talumpati

  1. Nagbibigay aliw
  2. Nagdaragdag kaalaman
  3. Nagbibigay sigla
  4. Nanghihikayat
  5. Nagbibigay galang
  6. Nagbibigay papuri
  7. Nagbibigay impormasyon

Katangian ng magaling na mananalumpati

  1. Kaalaman
  2. Kasanayan
  3. Tiwala sa sarili

Mga Halimbawa ng Talumpati

  1. Ano Ang Talumpati at mga Halimbawa nito? ni Jehzeel Laurente
  2. Mga Halimbawa ng Talumpati ni Juan Karlo Licudine

Mga Iba't ibang Uri ng Talumpati/ Pananalumpati

Talumpating Pampalibang:
Tuwing buwan ng Disyembre nariyan ang ibat't ibang pagdirawang at isa sa pinaka-
pinagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ay ang pasko, makikita mo riyan ang mga
magkakamag-anak na sabay sabay na nagsisimba, at sabay sabay na nagdarasal sa loob ng
tahanan ng Diyos nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap. Nariyan din ang
mga kasiyahan nagaganap, ngunit sa tuwing naaalala ko ang mga kasiyahang ito naaalala ko
ang mga panahon nang ako ay musmus pa dahil sa tuwing may kasiyahan ay pumaparoon ako
upang makisaya gaya ng ibang bata na naghihintay sa mga regalong kanilang iaabot sa akin
hanggang sa ako'y nagkagulang na, hindi na gaya ng ako'y bata mas mahalaga na sakin na
makapiling ko ang aking mahal sa buhay, lalo na ang taong nakapagbibigay ng matatamis na
ngiti sa aking mga labi, mga taong hindi mahihigitan ng kahit na anu mang materyal na bagay
o regalo dahil para sakin silay isa nang regalo ni Bathala. Dahil ang tunay na regalo ng pasko ay
di patungkol sa mga bagay na ating natatanggap o naibibigay kundi para sa kapanganakan ng
nasa itaas at ang pag-ibig natin sa kapwa.

Talumpating Panghikayat:

Mga kaibigan, nais ko sanang hingin ang inyong kaunting sandali, kung kayo ay
nangangailangan ng hanapbuhay na makapagbibigay ng salapi para sa inyong pangangailangan
maaari kayong tumungo sa aming gaganaping seminar sa susunod na linggo. Ang magaganap
na seminar ay maaaring makapagbigay ng magandang buhay para sa inyong kinabukasan.
Aasahan po namin ang inyong pagdalo, maraming salamat po! Iyon lamang at maraming
salamat.
Talumpating Nagbibigay Kabatiran:

Maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. Ang mga sakunang ito
ay hindi natin inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating. Walang sino man ang
nakaaalam o makapagsasabi kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi isang
Bathalang makapangyarihan na siyang lumikha.

Minsan na rin tayong hinagupit ng isang sama ng panahon gaya na lamang ng bagyo. Isang
sakunang hindi mo inaasahan at sa paghagupit ng sungit ng panahong ito, kulang ang
kahandaan ng Bansa at bawat isa sa atin kaya naman maraming buhay ang nawala, mga buhay
na walang kamuwang muwang na sasapitin nila ang ganitong pangyayari, mga musmos na
nawalan ng pangarap at mga magulang na animoy pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa
sinapit ng mga mahal sa buhay. Ganitong mga pangyayari ang nagaganap sa tuwing dadaan
ang isang sungit ng panahon.

Sanay ang mga pangyayaring ito'y tumatak sa ating isip at magsilbing aral para sa atin. Kayat
dapat maging handa tayo sa mga ganitong sungit ng panahon, maging handa sa lahat ng oras
at bagay.Habang nariyan ang liwanag ng araw magsagawa ng mga paghahanda upang di na
muling maranasan pa ang dinanas ng iba, maging matalino, maging handa at laging
manalangin sa poong lumikha.


Talumpating Pampasigla:
May kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging
Doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo, may mga
taong gustong maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain ang mga
krimem at sanhi ng pagdami ng krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging guro na
gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Bawat isa sa atin ay may mga
pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi magsisikap, ang tinutukoy na
pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral. Dahil ang pag-aaral, hindi parang ngumunguya lamang
ng mani, maraming dapat pag-daanan, maraming balakid sa pagtupad ng isang pangarap isa ay
ang kakapusan ng panustos. Ang pag-aaral ay mistulang senaryo sa pagsakay sa isang
pampasaherong sasakyan. Hindi mo mararating ang gusto mong patutunguhan pagka ikaw'y
walang salaping panustos ngunit kahit may mga ganitong balakid huwag tayong mawawalan ng
pag-asa upang abutin ang ating pangarap. Maging matatag at magsikap upang sa pagdating ng
araw masisilayan din ang liwanag na inaasam.



Talumpating Pagbibigay Galang:
May mga mahal tayo sa buhay na piniling lumayo sa sariling bayan upang maghanap ng
mas maaayos na ikabubuhay, pinili nila ang mangibang bayan para takasan ang paghihirap na
kanilang nararanasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil batid nilang
mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga inawang mahal sa buhay dito sa
lugar na tinubuan. Ngunit sa kanilang mga pagtitiis, sa mga hirap at lungkot na kanilang
dinaranas sila'y nagiging matatag at kanilang napapatunayan sa pamamagitan ng pag-balik sa
lupang kinagisnan kung saan-mga ngiting kay tamis ang masisilayan sa mukha ng kanilang mga
kadugo na animo'y palakang sabik sa ulan kayat para sa aking mga magigiting at masisipag na
kamag anak na nangingibang bayan at ngayo'y narito nang muli sa ating harapan. Maligayang
pagbabalik.
Talumpating pang-akit:

Magandang umaga po! Sa panahon natin ngayon may mga pagbabagong dapat
mangyari sa ating lugar, mga gawain na dapat aksyonan at mga gawaing hindi dapat
ipagpaliban, kaya nga't kailangan natin ng pagbabago upang maisagawa ang mga dapat
isagawa, kaya kong gawin ang mga iyon ngunit sa tulong niyo mga kaibigan hindi malabong
mababaon lamang sa wala ang inyong tiwala, sa pamamagitan ng inyong tulong mas magiging
maunlad, mapayapa, at maganda ang ating lugar kaya't sana sa darating na halalan sana'y
ibigay niyo sa akin ang inyong tiwala at siguradong hindi ito mapupunta o hahantong sa wala.
Iyon lamang po mga kaibigan at magandang umaga sa inyong lahat!

Talumpating Papuri
Tuwing sumasapit ang huling araw ng taon ipinagdiriwang natin ang araw ng isang
pinakatanyag na bayani ng ating bansa, maraming tao ang lubos na nakakababatid kung sino
ang bayaning ito. Siya ay kilala sa lupang tinubuan at maging sa iba pang panig ng mundo.
Ngunit sa pagiging tanyag niya, batid ba natin ang tunay na kwento ng pahina ng kanyang
buhay? Simulan natin ito nang siya ay musmus pa, noon pa man pansin na ang kayang
katalinuhan, nakapagbasa siya sa gulang na ang mga musmus na katulad niya ay mahirap o
hindi pa batid ang ganitong gawain, hanggang sa siya'y naging isang manunulat, marami siyang
mga akdang nilikha base na rin sa kanyang mga naging kasanasan. Ilan sa mga kilalang akda
niya ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hanggang sa ipinaglaban niya ang ating bansa
ng hindi gumagamit ng mga bagay nag maaaring kumitil ng buhay hindi marahil takot siya
kundi dahil alam niya na hindi sa pagpapadanak ng dugo ang tunay na pakikipaglaban para sa
kalayaan. Isa rin siyang modelo na dapat tularan ng ating mga kabataan lalo pa't siya na rin
ang nagwika na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kayat bilang pag-gunita tayo'y
magpasalamat sa kanyang nagawa dahil kundi sa katulad niyang bayani, hindi natin
mararanasan ang buhay na tinatamasa natin ngayon!
PINAGKUHANAN: http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/mga-iba-ibang-uri-ng-talumpati.html