ANG TALUMPATI
Ang
talumpati ay isang buod ng
kaisipan
o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita
sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol
sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang
talumpati (
extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.
Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na
impromptu
sa
wikang
Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang
sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang
talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang
talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang
ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang
binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
Layunin at bahagi
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o
sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon, magpahayag ng
katuwiran,
magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala.
Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang
layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang
o okasyon.
Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:
- Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang
istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
- Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng
mananalumpati.
- Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang
talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at
katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng
talumpati.
Paghahanda sa talumpati
Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw
ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa
makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring magtitipon ng mga
materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang gagamitin
sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating
kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng
paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga materyales
na gagamitin sa talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin
sa tatlong bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang
talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang
impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa
balangkas.
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan
ang mananalumpati na magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw ang
pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may mahusay na
paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng
mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan (
rapport)
sa madla.
PINAGKUHANAN:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati
Uri ng talumpati ayon sa balangkas
- May
pagahahanda
- Walang
paghahanda - ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay
binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa.
Mga
bahagi ng talumpati
- Panimula -
inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang
kunin ang atensyon ng madla.
- Katawan -
pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
- Konklusyon
- bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.
Paraan
ng pagtatalumpati
- Binasa -
inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malaks sa harap ng mga
tagapakinig.
- Sinaulo -
inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
- Binalangkas
- ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin.
Nakahanda ang panimula at wakas lamang.
Palad na itinataas habang nkalahad - nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin
2. nakataob na palad at biglang ibababa - nagpapahiwatig ito ng marahas na
damdamin.
3. Palad na bukas at marahang ibababa - nagpapahiwatig ito ng mababang uri ng
kaisipan o damdamin.
4. Kumpas na pasuntok - nagpapahayag ng pagkapoot o galit o pakikilaban. 5.
Paturong Kumpas - nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak. 6.
Nakabukas na palad na magkalayo ang mga darili at unti-unting ititikom -
nagpapahiwatig ng matimping damdamin.
7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita - pagtawag ng pansin sa alinmang
bahagi ng katawan ng nag sasalita. 8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad-
ipinahihiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot. 9. kumpas na
pahawi o pasaklaw - nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang diwa, tao o pook. 10.
Marahang pagbaba ng dalawang kamay - ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o
kawalan ng lakas.
Hakbangin
sa paggawa ng talumpati
- Pagpili ng
paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang
kaalaman, karanasan at interes.
- Pagtitipon
ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng
materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa
isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating
kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay
ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
- Pagbabalangkas
ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula,
katawan at pangwakas.
- Paglinang
ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta
sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.
Uri ng talumpati
- Nagbibigay
aliw
- Nagdaragdag
kaalaman
- Nagbibigay
sigla
- Nanghihikayat
- Nagbibigay
galang
- Nagbibigay
papuri
- Nagbibigay
impormasyon
Katangian
ng magaling na mananalumpati
- Kaalaman
- Kasanayan
- Tiwala sa
sarili
Mga
Halimbawa ng Talumpati
- Ano Ang Talumpati at mga Halimbawa nito?
ni Jehzeel Laurente
- Mga Halimbawa ng Talumpati ni Juan
Karlo Licudine
Mga Iba't ibang Uri ng Talumpati/
Pananalumpati
Talumpating Pampalibang:
Tuwing buwan ng Disyembre nariyan ang ibat't
ibang pagdirawang at isa sa pinaka-
pinagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ay ang pasko, makikita mo riyan
ang mga
magkakamag-anak na sabay sabay na nagsisimba, at sabay sabay na nagdarasal sa
loob ng
tahanan ng Diyos nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap.
Nariyan din ang
mga kasiyahan nagaganap, ngunit sa tuwing naaalala ko ang mga kasiyahang ito
naaalala ko
ang mga panahon nang ako ay musmus pa dahil sa tuwing may kasiyahan ay
pumaparoon ako
upang makisaya gaya ng ibang bata na naghihintay sa mga regalong kanilang
iaabot sa akin
hanggang sa ako'y nagkagulang na, hindi na gaya ng ako'y bata mas mahalaga na
sakin na
makapiling ko ang aking mahal sa buhay, lalo na ang taong nakapagbibigay ng
matatamis na
ngiti sa aking mga labi, mga taong hindi mahihigitan ng kahit na anu mang
materyal na bagay
o regalo dahil para sakin silay isa nang regalo ni Bathala. Dahil ang tunay na
regalo ng pasko ay
di patungkol sa mga bagay na ating natatanggap o naibibigay kundi para sa
kapanganakan ng
nasa itaas at ang pag-ibig natin sa kapwa.
Talumpating Panghikayat:
Mga kaibigan, nais ko sanang hingin ang inyong kaunting sandali, kung kayo ay
nangangailangan ng hanapbuhay na makapagbibigay ng salapi para sa inyong
pangangailangan
maaari kayong tumungo sa aming gaganaping seminar sa susunod na linggo. Ang
magaganap
na seminar ay maaaring makapagbigay ng magandang buhay para sa inyong
kinabukasan.
Aasahan po namin ang inyong pagdalo, maraming salamat po! Iyon lamang at
maraming
salamat.
Talumpating Nagbibigay Kabatiran:
Maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. Ang mga sakunang
ito
ay hindi natin inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating.
Walang sino man ang
nakaaalam o makapagsasabi kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi
isang
Bathalang makapangyarihan na siyang lumikha.
Minsan na rin tayong hinagupit ng isang sama ng panahon gaya na lamang ng
bagyo. Isang
sakunang hindi mo inaasahan at sa paghagupit ng sungit ng panahong ito, kulang
ang
kahandaan ng Bansa at bawat isa sa atin kaya naman maraming buhay ang nawala,
mga buhay
na walang kamuwang muwang na sasapitin nila ang ganitong pangyayari, mga musmos
na
nawalan ng pangarap at mga magulang na animoy pinagtakluban ng langit at lupa
dahil sa
sinapit ng mga mahal sa buhay. Ganitong mga pangyayari ang nagaganap sa tuwing
dadaan
ang isang sungit ng panahon.
Sanay ang mga pangyayaring ito'y tumatak sa ating isip at magsilbing aral para
sa atin. Kayat
dapat maging handa tayo sa mga ganitong sungit ng panahon, maging handa sa
lahat ng oras
at bagay.Habang nariyan ang liwanag ng araw magsagawa ng mga paghahanda upang
di na
muling maranasan pa ang dinanas ng iba, maging matalino, maging handa at laging
manalangin sa poong lumikha.
Talumpating Pampasigla:
May kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging
Doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo,
may mga
taong gustong maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain
ang mga
krimem at sanhi ng pagdami ng krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging
guro na
gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Bawat isa sa atin ay
may mga
pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi magsisikap, ang
tinutukoy na
pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral. Dahil ang pag-aaral, hindi parang
ngumunguya lamang
ng mani, maraming dapat pag-daanan, maraming balakid sa pagtupad ng isang
pangarap isa ay
ang kakapusan ng panustos. Ang pag-aaral ay mistulang senaryo sa pagsakay sa
isang
pampasaherong sasakyan. Hindi mo mararating ang gusto mong patutunguhan pagka
ikaw'y
walang salaping panustos ngunit kahit may mga ganitong balakid huwag tayong
mawawalan ng
pag-asa upang abutin ang ating pangarap. Maging matatag at magsikap upang sa
pagdating ng
araw masisilayan din ang liwanag na inaasam.
Talumpating Pagbibigay Galang:
May mga mahal tayo sa buhay na piniling lumayo
sa sariling bayan upang maghanap ng
mas maaayos na ikabubuhay, pinili nila ang mangibang bayan para takasan ang
paghihirap na
kanilang nararanasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil
batid nilang
mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga inawang mahal sa buhay
dito sa
lugar na tinubuan. Ngunit sa kanilang mga pagtitiis, sa mga hirap at lungkot na
kanilang
dinaranas sila'y nagiging matatag at kanilang napapatunayan sa pamamagitan ng
pag-balik sa
lupang kinagisnan kung saan-mga ngiting kay tamis ang masisilayan sa mukha ng
kanilang mga
kadugo na animo'y palakang sabik sa ulan kayat para sa aking mga magigiting at
masisipag na
kamag anak na nangingibang bayan at ngayo'y narito nang muli sa ating harapan.
Maligayang
pagbabalik.
Talumpating pang-akit:
Magandang umaga po! Sa panahon natin ngayon may mga pagbabagong dapat
mangyari sa ating lugar, mga gawain na dapat aksyonan at mga gawaing hindi
dapat
ipagpaliban, kaya nga't kailangan natin ng pagbabago upang maisagawa ang mga
dapat
isagawa, kaya kong gawin ang mga iyon ngunit sa tulong niyo mga kaibigan hindi
malabong
mababaon lamang sa wala ang inyong tiwala, sa pamamagitan ng inyong tulong mas
magiging
maunlad, mapayapa, at maganda ang ating lugar kaya't sana sa darating na
halalan sana'y
ibigay niyo sa akin ang inyong tiwala at siguradong hindi ito mapupunta o
hahantong sa wala.
Iyon lamang po mga kaibigan at magandang umaga sa inyong lahat!
Talumpating Papuri
Tuwing sumasapit ang huling araw ng taon ipinagdiriwang natin ang araw ng isang
pinakatanyag na bayani ng ating bansa, maraming tao ang lubos na nakakababatid
kung sino
ang bayaning ito. Siya ay kilala sa lupang tinubuan at maging sa iba pang panig
ng mundo.
Ngunit sa pagiging tanyag niya, batid ba natin ang tunay na kwento ng pahina ng
kanyang
buhay? Simulan natin ito nang siya ay musmus pa, noon pa man pansin na ang
kayang
katalinuhan, nakapagbasa siya sa gulang na ang mga musmus na katulad niya ay
mahirap o
hindi pa batid ang ganitong gawain, hanggang sa siya'y naging isang manunulat,
marami siyang
mga akdang nilikha base na rin sa kanyang mga naging kasanasan. Ilan sa mga
kilalang akda
niya ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hanggang sa ipinaglaban niya
ang ating bansa
ng hindi gumagamit ng mga bagay nag maaaring kumitil ng buhay hindi marahil
takot siya
kundi dahil alam niya na hindi sa pagpapadanak ng dugo ang tunay na
pakikipaglaban para sa
kalayaan. Isa rin siyang modelo na dapat tularan ng ating mga kabataan lalo
pa't siya na rin
ang nagwika na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kayat bilang pag-gunita
tayo'y
magpasalamat sa kanyang nagawa dahil kundi sa katulad niyang bayani, hindi
natin
mararanasan ang buhay na tinatamasa natin ngayon!
PINAGKUHANAN:
http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/mga-iba-ibang-uri-ng-talumpati.html